Philippine Songs & Pledges
Philippine Songs & Pledges
Browse Philippine song lyrics and pledge texts in one collection.
Browse songs & pledges6 entries
Lupang Hinirang
Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan Alab ng puso, Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig, Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula, At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y Tagumpay na nagniningning, Ang bituin at araw niya, Kailan pa ma'y di magdidilim,
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta, Buhay ay langit sa piling mo, Aming ligaya na pag may mang-aapi, Ang mamatay ng dahil sa iyo.
Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
Ako ay Pilipino Buong katapatang nanunumpa Sa watawat ng Pilipinas At sa bansang kanyang sinasagisag Na may dangal, katarungan at kalayaan Na pinakikilos ng sambayanang Maka-Diyos Maka-tao Makakalikasan at Makabansa.
Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan tahanan ng aking lahi; kinukupkop ako at tinutulungang maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang, susundin ko ang tuntunin ng paaralan, tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan; naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.
Pilipinas Kong Mahal
Ang bayan ko’y tanging ikaw, Pilipinas kong mahal.
Ang puso ko at buhay man, sa iyo’y ibibigay.
Tungkulin kong gagampanan, na lagi kang paglingkuran.
Ang laya mo’y babantayan, Pilipinas kong hirang.
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas, lupain ng ginto’t bulaklak. Pag-ibig ang sa kaniyáng palad, nag-alay ng ganda’t dilág.
At sa kaniyáng yumi at ganda, dayuhan ay nahalina. Bayan ko, binihag ka, nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak! Bayan pa kayáng sakdal-dilag, ang ‘di magnasang makaalpas?
Pilipinas kong minumutya, pugad ng luhá ko’t dalita, aking adhika: makita kang sakdal laya!
Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino Ang dugo’y maharlika Likas sa aking puso Adhikaing kay ganda Sa Pilipinas na aking bayan Lantay na Perlas ng Silanganan Wari’y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa ‘king talino Sa mabuti lang laan Sa aki’y katutubo Ang maging mapagmahal
CHORUS:
Ako ay Pilipino, Ako ay Pilipino Isang bansa, isang diwa Ang minimithi ko
Sa bayan ko’t bandila Laan buhay ko’t diwa Ako ay Pilipino, Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino, Ako ay Pilipino Taas noo kahit kanino Ang Pilipino ay Ako!